Tuesday, October 2, 2012

Lessons learned: may natutunan nga ba ako?



Isang linggong pagtitiis na lang nag natitira para sa aming mga estudyante. Yehey! Sembreak na. Kung babalikan ko ang oras, hindi na ako magtataka na mabilis nga ang panahon. 

Pero dahil patapos na ang semester ko, nararamdaman ko na talaga ang PRESSURE. Sa sobrang dami ng mga gawain halos hindi na ako makahinga (OA lang).

Sabi ko nga, patapos na ang semestreng ito. May natutunan ba ako? Ano nga ba ang natutunan ko? Naiisip ko, sa tagal ng pag-aaral sa kolehiyo at sa buong buhay ko, hindi pa ba ako nai-info overload? Syempre hindi. Kaya nga hanggang ngayon nandito pa din ako sa unibersidad at nag-aaral, di ba?

Magsulat at magsulat at magsulat. Iyan ang gawain sa aking kurso. Nakakapagod din minsan, pero wala akong magagawa kasi ginusto ko naman ito eh. LAHAT kakayanin para maipasa at makapagtapos na.  at syempre higit sa lahat MATUTO. Wala naman sa akin ang GRADES eh, mas mahalaga kung natuto ako. Iyong grades, bonus na lang iyon. :))

  Isa sa mga subjects ko  ngayon ay DEVC 122 (SCIENCE REPORTING). Inaamin ko ayaw ko talaga sa science partikular na sa biology. Nahirapan talaga ako dito kasi una sa lahat, wala naman akong interes sa SIYENSYA. Aba, ang mga tinuturo sa amin ay kahalagahan ng siyensa, at ang importansya ng pagpapaalam ng siyensa sa mga nakararami. Unang tanong ko noong simula ng sem, paano ko ito maisusulat kung ako mismo nahihirapan intindihin ito. 

Makalipas ang ilang buwan ng pag-aaral at pagtitiis na mahalin ang subject na ito, tingin ko naman ay nagtagumpay ako. Una sa lahat, natutunan kong mahalin ang SIYENSA. Natuto na akong ma-appreciate (di ko talaga alam ang Tagalog ng appreciate ) ang gawa ng siyensa—teknolohiya man o “discovery” sa mga halaman o hayop o kahit sa tao pa iyan.

Pangalawa, kahit na medyo hirap pa din ako, natuto na akong ipaliwanag iyong mga bagay na masyadong technical. Kahit papaano naman, nagagawa ko na isulat ang mga teknikal na impormasyon sa pinakamababaw na paraan na kaya ko na hindi nawawala iyong TRUTH.

Ano pa ba? Masasabi ko ding natuto akong mag-edit ng gawa ng iba. Natutuwa din ako kasi hindi na ako nahihiyang ipakita sa iba iyong gawa ko. Does it mean I am confident enough to show them my articles? (EWAN) Siguro nga na-aapreciate ko na iyong kahalagahan ng peer review (parang scientist lang ah, gusto din nila ang peer review. Natutunan ko din ito sa DEVC122 ).

Alam ko kahit hindi pa medyo halata, na-develop din ang aking interviewing skills (aba, dapat lang). Sabi nga ang journalist, he knows how to deal with the high and low of the society. Well, naexperience kong lahat ito. Hindi lang naman sa DEVC122, kahit sa ibang devcom subjects din. Pero nakakatuwa talaga na hindi na ako kinakabahan kapag kailangan kong mag-inteview (makapal na daw ang mukha ko ). 

Bago ako magtapos, gusto ko lang din i-share iyong feelings ko for this subject. Masaya ako kasi alam ko kahit iyong ibang articles ko ay patapon, nabibigyan ako ng encouragement na ipagpatuloy iyong nasimulan ko na. Isa pa, iyong feeling na alam mong may nakaka-appreciate ng gawa mo- teacher mo man iyan, iyong ininterview mo, magulang mo, kaibigan, o kahit kaklase. Masaya lang ako na hindi lang mga technical terms at jargons ang natutunan ko sa subject na ito, hindi lang mga dos and don’ts ng pagiging science journalist, mga beats o science stories, o simpleng pagsusulat. Natuto ako na magsipag pa, magtiyaga sa pag-aaral at higit sa lahat ay mahalin kung ano man ang ginagawa ko. Napag-isip isip ko lang na kung talaga palang mahal mo at gusto mo ang ginagawa mo, walang magiging mahirap para sa iyo. Lahat ay kayang kaya, and at the end of the day, you’ll wear the biggest smile. :)